Wednesday, June 30, 2010

Friday, April 30, 2010 10:08 AM

Kinausap ko uli siya at sinabi ko na pinapawalan ko na siya. Sinabi ko rin na tutulungan ko na ang sarili ko para naman hindi siya mahirapan.

Kaya ko ito, very optimistic ako na makaka-move on ako. Masakit pero kakayanin naman. Tutal, magkaibigan naman kami, at kahit na alam kong hindi na niya ako mahal, okay lang dahil darating na din ako sa puntong ganoon pagdating ng panahon.

Hindi kami pwedeng magsama ng matagal kasi lumalalim yung usapan namin at nauuwi sa mga bagay na nauulit, tapos mag-aaway na naman kami. Kaya dapat alam ko kung hanggang saan lang ang pwede kong itanong at hindi itanong sa kaniya. Mahirap talaga pero ngayon mas malinaw na sakin kung ano ang mga gagawin ko. Medyo mahirap kasi hindi biro at mawawalan na talaga ng puwang ang mga bagy bagay na hindi importante sa ngayon.

Hindi ako nagagalit sa kaniya. Kaibigan ko siya. Sabi niya, kapag nakakarinig siya ng mga bali-balita, ginagawa niyang galit. Ayoko ng ganon, mabigat kasing dalhin ang galit eh, mabigat. Gusto kong magpatawad at magparaya. Gusto kong maging masaya.

No comments:

Post a Comment