Wednesday, June 30, 2010

Pagkukumpara

Dala ng katatapos kong karansan at habang naiisip ko ang bagong kasintahan ng aking ex-boyriend, hindi ko mapigil ang magkumpara at magtanong. Mas maganda ba siya sa akin? (yata). Siguradong mas payat naman sakin. Mas matangkad sakin. Mas makinis sa akin. Mas maganda ang buhok sakin. Mas mabait kaya siya?(may bait nga ba ako? Ehehe) Mas masarap ba siyang kausap? Mas maalaga kaya? Mas malambing? At kung anu-anong pagkukumpara hanggang sa mapraning na ako. Habang pinahihirapan ko ang sarili ko sa pag-iisip ng mga ito, biglang naitanung ko kung kailangan nga ba ng pagkukumpara.

Naniniwala ako na ang bawat bagay sa ating buhay ay may kani-kaniyang halaga batay sa ating pagkakasubok sa mga ito. Naniniwala din ako na hinding hindi magiging parehas ang pagtingin ng dalawang tao ukol sa isang bagay o sitwasyon. Subjectivity, eka nga. Ang isang bagay na maganda at maayos sa paningin ko ay maaaring panget at masagwa sa paningin ng iba. Ang aking batayan ng kagandahan ay maaaring hindi batayan ng iba.

Dahil sa pagtanggap ko sa panilawanag na ang lahat ng bagay, sitwasyon o tao ay may kani-kaniyang katangian, ibinababa ko na ang sukdulang pagkukumpara ko sa sarili ko at sa bagong girlfriend ng ex ko. Syempre masakit na makikita mong physically, mas maganda siya sayo at wala naman akong ibang mailaban kundi ang ilang bagay na nakamit na palagay ko ay wala siya. Pero kung hanggang dito na lang ang magiging pagtingin ko sa sitwasyon, hindi nga ako makakaalis sa insecurity na sa tingin ko ay hindi nakakatulong sa pagbangon mula sa karanasang ito. Oo, sabihin na nating pwedeng niloko niya ako o nagsinungaling siya sa akin na ah, baka kaya niya ako pinagpalit dito ay mas maganda at mas sexy (malusog po ako, ehehhe), hidni ko rin tinatanggal na may mga bagay na ako ang nagdulot kung bakit nabaling ang pagtingin niya mula sa akin patungo sa babaeng iyon. Kung ano man iyon, tanungin po natin ang ex ko pero ayaw ko nang magbigay ng kahulugan.

Bilang may panimula sa pag-aaral ukol sa pag-uugali, kilos at pag-iisip ng tao, mayroon akong tendency na talagang magbigya ng interpretasyon sa mga bagay bagay sa paligid ko. Pati mga aksyon at ginagawa nila ay napupuna ko. Sa puntong ito, ayaw ko. Pinahihirapan ko ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko alam. Tapos na kami, ex na ako at naniniwala ako na darating ang para sa akin. Gusto kong tanggapin ang karansang ito bilang sa kung ano ito. Nais kong tanggapin na wala na kami at sa ngayon, ayaw kong isipin ang kung ano mang pag-asa para sa aming dalawa. Pagod na ako sa kaniya at marami pa akong dapat isaalang-alang na mas mahalaga.

Sigurado ako na mayroon akong mga katangian an higit sa kaniya at mayroon din siyang higit sa akin depende sa kung anong panukat ka sisilip. Sa kabila ng lahat, isa lamang ang sinisiguro ko, ano man ang mangyari, hinding hindi ko mamaliitin ang sarili ko dahil sa pangyayaring ito. Hinding hindi ko titingnan ang sarili ko bilang may kakulangan dahil lamang sa ginawa niya. Hinding hindi ako manliliit sa harap nilang dalawa kundi dapat pa nga akong maging higit na masaya kung masaya sila. Unfair naman kung nagmumukmok ka tapos sila hindi, di ba? Sabi nga ng t-shirt “THINK ABOUT YOURSELF FOR A CHANGE”.

No comments:

Post a Comment