Sunday, June 27, 2010

Sa simula...

Yup, yup, yup, I'm a probinsyana, from the lush green municipality of Gabaldon, Nueva Ecija. Ipinanganak sa municipal medicare, at nagka-isip sa SEAC Compund. Dati siyang Sabani Estate Agricultural College pero NEUST-Gabaldon na ngayon. Well, sabi nga nila, if naghahanap ka ng trabaho, mas sosyal kung NEUST ang dala mo instead of SEAC di ba? (Magre-react sila ng "where the hell is that?").

Anyway, I spent much of my childhood days roaming the campus with my friends Jerwin and Christian. Jerwin is now a registered nurse serving as volunteer at the community hospital while Christian is a registered teacher. Mas malapit ang bahay nila Jerwin sa akin kaya umaga pa lang, nasa bahay na nila ako. Ako, registered citizen? ehehhe.

Jerwin is a typical industrious son who wakes up early to clean the pig pen so he can play afterwards. Nakatalungko ako sa gilid ng kulungan ng baboy habang nililinis niya yon. Ehem, mayaman sa tubig ang Gabaldon at tumutuloy sa sapa sa likod-bahay ang poo-poo ng baboy.

Si Christian naman ay ang bunso na love na love ng parents. Siya yung batang laging malinis at mabango. Siya rin ang may pinakamaraming laruan (kahon kahon). Kapag pumupunta kami sa bahay nila hindi kami magkamayaw sa pagpili ng mga baril (hahaha, I always get the big ones that makes sound when you pull the trigger). Pero hindi lagi present si Christian kaya kapag wala siya, dalawa na lang kami ni Jerwin at nagta-tiyaga kami sa mga sanga ng kahoy na hugis baril.

During the holidays, medyo mas malaki ang grupo. Kasama ni Jerwin ang kaniyang mga kapatid (si Ate Gleng, Kuya Jeff, Om-Om) and I have my older sister, Acel. Nalilibot namin ang buong campus para sa mga laro. Magkakasama din kami twing picnics and occasions. Kapag malapit na ang pasukan, sama-sama din kaming nagco-cover ng mga notebooks.

Na-experience ko din before na magtinda ng mangga na may alamang sa mga students during summer orientations for incoming freshmen high school. Kaso nalulugi ako dahgil madami akong maglagay ng alamang.

One day, Jerwin and I decided to collect tadpoles (butete). Marami kasing fish pond sa tapat ng bahay namin dahil agricultural college nga eh. Kung bakit ang cute cute sa paniongin ng isang bata ang itim at matatabang butete na lumalangoy sa mababaw na parte ng fish pond. Dumukwang siya at nakakuha ng ilan, sumunod ako, then nag-eenjoy na kami. Nagkami ako ng tapak sa bato at gumulong ako sa fish pond at nakilangoy na rin sa mga buteteng nandoon. Syempre, pinagalitan ako ni Dade. Suot ko pa naman nun yung bestida kong cute na pina-masko ko the year before.

Madami akong bukol at gasgas na nakuha nung bata pa ako. Until now, I can still recall the vivid colors of my surroundings. Sana lahat ng tao maganda ang childhood memories at nasulit ang pagkabata.

That's only a fraction of my cute childhood. I'll be posting again soon.

No comments:

Post a Comment