Nakakatakot kung lagi mong aniisip ang mga pwedeng mangyari. Just a while ago, naiisip ko paano kong haharapin if makitang kong happy na siya with a prettier woman. Maiinsecure ako, syempre. Natatakot ako na baka habang buhay ko nang dalhin itong sakin na ito. Pano kung isang araw nakita ko, sweet sweet pa nila? Ano gagawin ko? Iiyak na lang ba ako? Ang sakit sakit siguro…
Pero kung lagi lagi naman kasi nating iniisip yung future, baka praning na lahat. Siguro eto pinakamahirap na part sa moving -on: anticipation. Kung anu-ano kasi naiisip mo na pwedeng mangyari na hindi lang naman exclusive sa love life eh. Actually, sa lahat ng bagay pwede kang mag-anticipate eh: may trabaho pa kaya ako after a year, may bahay pa kaya kami, lulubog na ba ang gabaldon, global warming, plus 3 degrees, plus 30 ft. of sea level, magugunaw na ang mundo, masasagasaan ako mamaya, babangungutin ako mamayang gabi… ano ba pinagkaiba noon sa makikita ko si roy with his new gf? Same lang din yun.
Iniisip ko, bakit ba kasi big deal na big deal sakin ang break up na to? Dahil ako ang iniwanan? So what? Ok nag yun kasi at least hindi ko na kailanganga magconvert at icomlicate ang mga bagay bagay sa family ko. Pride? Ego? Biggest sin yan. Alam mo kung ano yung masakit? Nung sinabi niya na WALA NA, TAPOS NA, HULI NA ANG LAHAT, HINDI KA BA NAKAKAINTINDI? Wow, parang telenovela, ehehe. Tulunagn ko naman daw sarili ko kasi gusto din niyang mag-move on. Gusto lang niyang mapag-isa. Ako din, I think I need time for myself. Marami akong gustong gawin at pangarap na mas importante kesa sa pagmumukmok ko sa isang relasyon na wala na, patay na.
No comments:
Post a Comment