Wednesday, June 30, 2010

Thursday, April 29, 2010 6:56 AM

Yup, true, hes been trying to move on, at sabi nga niya, yun ang gusto niya. Pinapairapan ko siya by not helping myself move on too. Gusto din niyang magsimula. Kung masakit daw sakin, nasasaktan din siya. Well, maraming balita na may babae daw siya. Anyway, before nagka gf daw siya after naming magbreak. Tatlo, hahaha.

Nagising ako na nalulungkot. Siguro eto na ang simula ng depression na hinahanap hanap ko. Napanginipan ko pa nag siya eh. Well, at least malinaw na sakin na talagang wala na kaming pag-asa, nawalan na siya ng pagmamahal sa akin dahil sa mga nangyari. HHmmmm… bakit kaya ganun, may mga pagsubok na kung titignan ay dapat makakapagpalakas sa relasyon ng dalawang tao, but instead, yung isa lang ang lumakas, yung isa lang ang lalong nagmahal, yung isa lang ang tumibay, samantalang yung isa wala, nawala, nalunod.

Masakit na sa tagal tagal ng aming nilakbay ay ako lang ang nakaahon sa pampang, hindi ko na siya kasama. Ano ngayon ang gaggawin ko? Bababybayin ang ilog para hanapin siya? Nakaahon din siya pero sa ibang pampang na, at hahanap na siya ng kung sino man ang nanduduon para naman makasama niya sa sarili niyang paglalakbay. Ako, maghihintay ba ako at maiiwan sa pampang na dapat ay ahunan naming dalawa at tumangis na lang dahil hindi siya nakaahon? Matagal tagal na rin ako nandito sa lugar na ito, masakit ang mga alaala. Masakit talaga pero kailangan ko na yatang tumalikod at magsimulang lumakad mag-isa. Sa paglalakbay n aito, hindi naman talaga ako mag-isa, nariyan ang pamilya, ang kaibigan, mga kasama na handang umalalay. Hindi man sila nasa same context ng paglalakbay but nililingon-lingon nila ako, tinatawag twag para lumakad na. kailangan ko lang marealize na hindi ito byaheng mag-isa. Na in the first place hindi naman si Roy lang ang kasama ko, siya lang kasi ang lagi kong tinitignan, meron pa sa kaliwa, si Chel, sa harap, si Mama at Dade, sa likod, mga kaibigan. Marami, isa nga lang ang nalagas. Hindi naman ako mag-iisa. Meron pa sa taas.

Natutuwa lang ako dahil nagising akoing malungkot. Inaasahan ko ito matagal na at ngayon ko lang naranasan. Sana ay magtuloy-tuloy na tungo sa paglakad at pag-ahon. :)

No comments:

Post a Comment